Ang PETmalu ni Queen Elizabeth II
Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II, nagluksa ang buong mundo kabilang na ang mga mahilig mag-alaga ng aso.
Dahil alam nating lahat na ang reyna ay isang dog lover o fur parent ng corgis..
Pero kayo ba ay pamilyar sa aso ng Reyna?
Alamin natin kung anong lahi ng aso ang alaga ng Reyna.
Ang lahi o breed ng alagang aso ni Queen Elizabeth II ay Corgi.
Ang Corgi ay mula sa Welsh word na cor and ci (gi-ang bigkas) na ang ibig sabihin ay dwarf dog.
May dalawang klase ng corgi ang Pembroke Welsh Corgi at Cardigan Welsh Corgi.
Ang Cardigan Welsh Corgi ay mas pabilog ang tenga, mas malaki at medyo mahaba kaysa pembroke welsh na patulis ang tenga at kung minsan ay walang buntot.
Lumabas sa balita na sa loob ng mahigit pitong dekada niyang pagiging reyna ng England, nagkaroon siya ng mahigit sa 30 corgis.
Sa edad na sampu, nag-uwi ang kanyang ama ng asong tinawag na Dookie.
At sa edad na 18, niregaluhan siya ng aso ng kanyang amang si King George VI, na pinangalanang ‘Susan’.
Mula sa lahi ni Susan at sa loob ng mahigit na pitong dekada, nagkaroon ng 14 generations mula kay Susan.
Si Willow, ang huling namatay noong 2018. (Nais ng reyna na wala siyang maiwanang alagang aso kapag siya ay pumanaw.
Kaya hindi na siya nagpatuloy pang magbreed ng aso mula sa lahi nito)
Alam ba ninyo na hindi sinasadyang makapag-imbento sila ng bagong species ng aso na tinawag nilang dorgis mula sa breed ng dachshund at corgi.
Si Pipkin na dachshund na alaga ni Princess Margaret ay nag-cross breed kay Tiny mula sa 4th generation ni Susan. .
Samantala, ayon kay Nathaniel Abella, dog breeder ng Corgi sa Pilipinas, maaaring nakuha ng mga corgi ang loob ni Queen Elizabeth II dahil sa likas na pagiging malambing at playful ng mga ito.
Sa kasaysayan din kasi hindi lang basta house pet ang mga corgi kundi itinuturing silang guard dogs o working dogs para sa mga tupa at baka.
Ngayong pumanaw na si Queen Elizabeth may naulila siyang apat na furbabies, ito ang dalawang corgis, isang cocker spaniel at dorgi.
Ito sina Muick, Sandy, Lissy at Candy.
Ang mga ito ay regalo sa kanya ng royal family sa mga nagdaang taon.
Ayon sa balita ang mga naulilang aso ay mapupunta sa kanyang anak na si Prince Andrew.
Bukod pa sa mga aso mahilig din ang reyna sa kabayo.
Libangan niya ang pangangabayo at pagpaparami nito.
Sa Buckingham Palace inaalagaan at pinaparami ang racehorses.
Namana ng kanyang anak na si Princess Anne ang pagkahilig sa kabayo, kung saan lumahok siya sa Olympics bilang equestrian.
Mayroon ding elepante, dalawang higanteng pagong, jaguar at pares ng sloths ang Reyna.
Iniregalo ang mga ito sa kanya ng mga taga ibang bansa.
Ang lahat ng nabanggit ay nasa pangangalaga ng London Zoo.
But wait there is more!
Todo na ito, maging ang mga swan sa Thames River ay pag-aari ni Queen Elizabeth.
Patunay lamang na ang Reyna ay animal lover.
End