Ang ‘Pulot’ Queen ng Japan

Sa nagdaan may nakapanayam tayong dumpster diving na taga Finland, ngayon naman kilalanin natin si
Jennifer Muramatsu a.k.a “Madam Pulot” ng Tokyo.

Dating teacher, nagbarista hanggang sa nagkaroon ng pandemya, dito niya natutuhan na mamulot sa
Japan. Pinupulot niya mula sa branded shoes, plato. At kung ano-ano pa.

Ang ginagawa niya ay ibinebenta niya ang napupulot niyang gamit, para makatulong sa asawa at sa pamilya sa Pinas.

Pero hindi maaaring basta-basta mamulot, maaari lamang itong pulutin o kuhanin kapag may karatulang
may nakalagay na puwedeng kuhanin.

Nangyayari ito tuwing papasok sa trabaho, may nadadaanan silang mga gamit na itinapon na.

Hindi rin maikaila na sa umpisa ay namamangha siya sa nakikita na itinatapong mamahaling gamit.
Kung tutuusin dito sa atin sa Pinas ay bihira ang ganitong nagdidispose ng gamit na mamahalin.

Naitanong natin kung meron din bang dumpster diving sa Japan ng pagkain?

Ang tugon niya “wala”dahil kung galing sa mga grocery o shops may sarili itong trak na kumukuha ng basura.

Sa karaniwang tao hindi puwedeng basta pumasok o manguha dahil tresspassing ito at maaaring
kasuhan.

Pagdating naman sa items na ibinebenta, sa simula pa lang ay aminado si Jen sa mga customer kung may
defect o minor scratch ang product.

Proud din niyang ikinuwento kung gaano ka-supportive ang kanyang mister. Dahil ito ang nagmulat sa
kanya sa pamumulot, at tumutulong din sa pagbabalot ng items hanggang sa paglalagay sa balikbayan
box.

Ibinahagi din ni Madam Pulot na sa tuwing siya ay namumulot, itinuturing niya itong blessing at grateful
siya.

Dahil bukod sa nakakatulong siya sa kanyang asawa ay naturuan at naimulat din niya ang kanyang
kapatid sa pagbebenta. Ang lahat ng kanyang pagsisikap o ginagawa ay para sa kanyang pamilya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *