Ang Saging, Bow!
Magandang araw mga kapitbahay! Kuwentuhan tayo ulit, for sure sa kuwentuhan natin marami kayong matututuhan.
Kapag kulang sa potassium ang maiisip agad natin ay saging, di ba? Pero, hindi lang naman saging ang rich sa potassium kahit ang broccoli, spinach, patatas, pipino, mushroom, orange, carrots, pasas, at marami pang ibang prutas at gulay ay sagana rin sa potassium.
May iba-ibang variety ang saging, may cavendish, red banana, blue java, burro, gold finger, manzano (hindi si luis), at marami pang iba. Alam ba ninyo na mahigit isanlibo ang uri ng saging sa buong mundo, iba-iba ng kulay, hugis at lasa. At hindi lahat ay edible o puwedeng kainin.
Dito sa atin, ang apat na pinakakaraniwang uri ng saging na itinatanim ay ang lakatan, latundan, bungulan at saba. Siyanga pala, ang Pilipinas ang isa sa top five exporters ng saging sa buong mundo.
Noong 2018 nakapag produced ang bansa ng 9.36 million tons ng saging na kinabibilangan ng cavendish, saba at lakatan.
Karamihan sa mga ini-import na saging ay mula sa Central America gaya ng Panama, Costa Rica, Guatemala at Ecuador. At sa 2019 report, dahil sa saging ay kumita ang Ecuador ng $ 3.3 B; Philippines, $1.9 B; Colombia, $ 1.6 B; Costa Rica, $999.7 M at Guatemala, $ 944.8 M.
Mga abay, alam ba ninyo na may isang uri ng saging na dati ay kilalang kilala, bago mag 1960s? Ito ang Gros Michel banana na dahil sa Panama disease ay sinira at pinatay ang taniman nito. Ang Panama disease ay isang uri ng sakit sa halaman na ang pangunahing apektado ay banana plant.
At kamakailan lamang sa balita, kung ang saging ay karaniwang itinatanim sa maiinit na lugar, aba sa Japan, mula sa kanilang pinakamalamig na prefecture ang Hokkaido, ay nakapagtanim ng saging mula sa bayan ng Kushiro.
Ang presyo ay 10 dollars bawat piraso. Sige kung iconvert natin sa peso ang 10 dollars, ipagpalagay na lang natin sa 48 pesos times 10 dollars, wow, 480 pesos! Actually, sa yen ay 1,080 (US $ 10.40) Bakit ganito ba itong Kushiro banana? Ano ba ang lasa nito?
Well, mula po sa mga artikulo at news items na nabasa natin, dahil hindi ko pa rin siya natitikman at wala akong balak ding bumili kung sakali (hehehe), ang sabi nila, kakaiba ang tamis na taglay nito lalo pa nga at hindi ginamitan ng pesticides o chemical fertilizers, basta kakaiba ang lasa sa ibang variety ng saging.
Manipis ang balat at medyo mapakla o mapait. Pero kung gagawa ng smoothie iminumungkahing isama na ang balat dahil sa sustansyang taglay nito.
So, sa susunod na pag-uusapan ang saging meron na kayong puwedeng idagdag na impormasyon. Hanggang sa susunod!