Ang sakit ng ngipin ay babala, huwag hintaying mamaga

Hindi simpleng bagay manapa ‘disturbing’ kapag namaga ang ngipin dahil puwedeng mauwi sa emergency. Ang bulok na ngipin ay sumasama sa bloodstream kaya maaaring maging
cause ng bacteremia o bacteria in the blood.

Kadalasan, taken for granted ang dental health. Kapag sumakit ang ngipin, iinuman lang ng pain reliever o gamot. Kaya, no wonder, babalik ulit ang sakit at pamamaga ng ngipin. Ang nangyayari, mas lumalala ang sitwasyon.

May tooth infection kapag sensitive sa iniinom, malamig o mainit man. Merong discoloration ang apektadong ngipin, iba ang kulay sa mga katabing ngipin. Meron ding lalabas na parang pimples sa gilagid na nana o pus na pala.

Ang mga ito ay nakaaapekto hindi lang sa kalusugan ng ngipin kundi sa overall health. Kung itinatanong ninyo, bakit ba nagkakaroon ng tooth infection? Number one, dahil sa oral hygiene. Minsan may root caries, may nasiksik sa loob ng ngipin o sa pockets na siyang dahilan ng infection.

Isa pa, dehydrated ang bibig. Walang lubricant. Mahalaga ang saliva o laway, importante ang pag-inom ng tubig. Meron pa, kapag mahilig sa acidic foods, kung kaya nagkakaroon ng tooth
erosion.

Paano na nga ba malalaman kung kumalat na ang tooth infection sa katawan? Laging may lagnat. Mapapansin na mula sa maliit na bahagi lamang ang pamamaga ay kumalat na hanggang leeg, hindi na makalunok, pati ang mata ay halos sarado na. Kapag ganito, delikado na dahil nangangahulugan ito na kumalat na ang bacteria papuntang mata, utak at iba pang bahagi ng katawan.

Kaya nga, hindi dapat na binabalewala ang pagsakit ng ngipin, hindi kapag namaga at kung anu-ano na ang nararamdaman ay saka pa lamang maaalala na bumisita sa dentista. Makatulong po sana ang mga impormasyong ito sa lahat nang makababasa ng artikulong ito.

-30-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *