Ang Sansibar Blade sa makabagong panahon
Mahilig ba kayong mangolekta ng mga sinaunang gamit, gaya ng lumang patalim, o espada?
Isa na ba riyan ang Filipino traditional weapon na sansibar?
Iyan ang ating ibabahagi.
Nagkaroon tayo ng pagkakataon na makakuwentuhan si Gerry ‘Jake’ Napoles, sansibar blade maker mula sa Leyte.
Kuwento ni Jake bago niya maitayo ang negosyo, isa siyang grab driver at hilig na niyang bumili ng iba’t ibang klase ng patalim.
Dahil sa pandemya nawalan siya ng hanapbuhay at napilitang maibenta ang mga koleksyon niya ng mga patalim.
Sabi ni Jake sa kasaysayan ang salitang sansibar ay mula sa salitang waray, ibig sabihin “pang sibak”.
Dating itak o sundang na kapag itinaga sa kahoy ay mahahati, isang sibak o sang sibak, pero nilinaw niya ang tinatawag na sansibar kapag ito ay long blade,
gamit bilang sandata ng mga mandirigma noon.
Sa kasalukuyan may ibat ibang klase at gamit ang mga ito tulad ng sundang, lagaraw, tamban (mga klase ng itak) ginagamit sa pagtabas ng mga damo habang ang matlog o jungle bolo na isang rin utility blade ay ginagamit na pamutol ng kahoy na ginagawang uling.
May sansibar o binatangas blade na tinatawag din na Good Bye Jaro.
May Rambo knife na ginagamit ng mga sundalo for survival sa gubat o ang iba kapag nagka-camping.
Idinagdag niya na ang paggawa ng sansibar na mula sa Leyte partikular ang bayan ng Carigara ay kilala dahil sa tradisyonal na paggawa nito.
Kung paano ito manwal na ginagawa, pinapanday ay inihalintulad niya sa pamamaraan ng mga hapon noong unang panahon ay ganun pa rin nanatili.
May sistema sa paggawa ng sansibar sa Leyte, halimbawa kung isang sansibar lamang ang gagawin, gugugol ito ng buong araw sa pagpapapanday, take note ang panday lang ang gumagawa ng blade, pagkatapos pandayin ay dadalhin ito sa artist o taga gawa ng scabbard. (Ang scabbard ay iyong pinaglalagyan o cover ng blade)
Kasunod ay sa handle maker na aabutin ng dalawang araw.
Panghuli naman ang finishing part, kung saan ito ang ginagawa ni Jake, siya ang nagpapakintab, nagvavarnish o minsan taga lagay ng lock ng blade.
Sa loob ng tatlong araw ay kayang bumuo nang isang sansibar ngunit depende sa disenyo o customized.
Idinagdag niya sa lugar nila ay maraming nagpanday habang ang scabbard maker at handle maker ay kakaunti sa bilang.
Kilala ang sansibar ng Leyte dahil sa matalas at matibay nitong mga patalim.
Bukod pa dito madali rin aniya ang maintenance nito, mahalagang pinupunasan agad pagkatapos gamitin at pinapahiran ng langis upang mapanatiling matalas at hindi kalawangin.
Panghuli paalala niya bago bumili ng blade, alamin muna kung para sa anong
bagay gagamitin dahil may akmang blade sa bawat paggagamitan.