Ang Sari-sari store ko sa Tokyo

Hello, mga kapitbahay!

Alam n’yo isang kababayan natin na nasa Tokyo, Japan ang nakakuwentuhan natin sa programa.

Narito ang aming usapan.

Si Irene Pacifico ay 23 years na sa Japan, at sa Tokyo ay 10 years na siya.

Dati siyang may restaurant pero nagshift siya sa sari-sari store business kasi napagod na siya sa pagluluto para sa kaniyang resto.

Kahit na sabihin pang kumikita siya dito.

Wala daw siyang tulog at pagod talaga ang katawan.

Pero, hindi naman puwede na wala siyang pagkakakitaan, kaya naisip niya ang sari-sari store business.

Lalo na nga nitong pandemya, malaki ang naitulong sa kaniya ng kaniyang business.

Nasa loob ka lang ng bahay at kumukuha lang ng order dahil online din siya.

Pero, hindi komo sa bahay lang ay marami ng oras ang tulog niya.

Hindi pa rin, kasi kailangan niyang imonitor kung may order, pero, mas okay na rin sabi niya.

photo by Irene Pacifico

Karamihan sa kaniyang customer ay mga Pinoy din bagaman may ilang Hapon din lalo na ‘yung mga nakapunta na sa Pilipinas na naghahanap ng lasa ng produktong pinoy.

Malaking tulong din sa kaniya na ang kaniyang kapatid ay vlogger dahil ang mga follower nito ay sa kaniya na umoorder o bumibili.

Naitanong ko kay Irene kung ano ang mabenta niyang produkto sa kaniyang sari-sari store?

Sabi niya ay ‘yung mga gawang Pinas gaya ng puto, mga kakanin at saba.

Umuuwi siya dito sa bansa para mamili ng mga paninda niya sa Tokyo.

At kasama na nga sa binibili niya ay mga kakanin dahil ito ang best seller, ubos agad.

Nitong pandemya kung saan mahigpit pa ang galaw ng tao.

Nagpapa-shipping siya ng mga produktong mula sa kanila sa Davao, kasi ito ang hinahanap ng customers niya.

Irene Pacifico

Sabi nga niya, iba talaga ang gawang Pilipinas, kaya ang mga nasa abroad na kababayan natin talagang sabik sa pagkain natin.

Naitanong ko kung nagpapautang din siya?

Sabi niya ay … oo naman kasi hindi naman mahirap maningil palibhasa ay may mga trabaho naman.

Ang presyo ng kaniyang paninda?

Sabi niya ay Japan rate, dahil may shipping fee kaya mas mahal.

Alam naman ng lahat sabi niya na mahal ang cost of living sa Japan. Hindi naman siya nagpapatubo ng malaki.

Basta para sa kaniya kahit maliit ang tubo o kita, may napagkukunan siya ng panggastos nilang mag-
nanay.

Sa huli, banggit ni Irene na kailangan ay tiis-tiis lang sa ganitong business, kumikita naman, huwag nang umasa ng malaki ang kita lalo na sa simula.

At ‘yan mga kapitbahay ang kuwento ng sari-sari store ni abay Irene sa Tokyo, Japan.

Until next time po!

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *