Ang sistema ng pagbabakuna sa Valenzuela City

Walang uuwing hindi bakunado. Ito ang ipinangako ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa lahat ng mga nagnanais na mabakunahan at magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Bunsod na rin ito ng mga naranasang aberya at kaguluhan sa ilang lugar dahil sa kawalan ng maayos na sistema sa pagbabakuna na humahantong sa kabi- kabilang reklamo ng mga nagtitiyagang pumila para lang mabakunahan.

Paano nga ba ang sistema ng pagbabakuna sa Valenzuela?

Kung ikaw ay may VALTRACE na ay maaari ka nang magparehistro sa VCVAX sa Valtrace.appcase.net para makatanggap ng bakuna.

Sagutan lang ang form at ilagay din kung saang vaccination site mo gustong magpabakuna.

Makatatanggap ka ng text o appoinment letter at tawag mula sa mga kinatawan ng lungsod na siyang nagpapaala at nagbibigay ng schedule ng araw ng iyong bakuna.

Sa araw ng iyong bakuna ay dalhin lamang ang sumusunod:
VALID I.D.
VALTRACE
APPOINTMENT LETTER O TEXT MESSAGE NG SCHEDULE NG BAKUNA

Huwag ring kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at sundin ang mga ipinatutupad na health and safety protocols.

Mula sa verification,counseling at screening hanggang sa pagbabakuna ay hindi nagsasawa sa pagpapaalala ang mga kinatawan ng Valenzuela para masigurong nasusunod ang health and safety protocols.

Matapos ang bakuna ay muling iche-check ng mga nakaassign na doktor ang iyong vital signs para masigurong ligtas ang binakunahan.

Sa huli ay bibigyan ang nabakunahan ng vaccination passport at pin kung saan makikita ang petsa ng second dose ng bakuna.

Dahil sa ganitong sistema, naging mabilis at maayos ang pagbabakuna sa mga residente ng Valenzuela.

Kristine Dantes

Please follow and like us: