Angat dam, posibleng magbalik na sa kaniyang minimum operating level sa katapusan ng Agosto
Bagamat bumagal ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam, tumaas pa rin ng .06 meters ang water level ng Angat ngayong araw.
Ayon kay Jason Bausa ng Pag-Asa Hydrology division, hanggang kaninang umaga ay nasa 177.60 meters ang water level ng Dam mula sa 177.54 meters kahapon.
Kaunti na lamang ang kailangan para manumbalik na sa minimum operating level ang antas ng tubig sa Angat dam.
Maliban sa Angat, nadagdagan din ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya.
Habang nabawasan naman ang water level ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga at Magat.
Please follow and like us: