Angat dam, wala pa sa critical level kahit nasa below 180 minimum operating level na
Hindi pa masasabing nasa kritikal na lebel na ang tubig sa Angat dam.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Adel Duran, Pag-Asa Hydrologist, bagamat nasa below 180 o minimum operating level na ang dam, hindi binawasan o binabaan ang allocation nito para sa water supply ng mga consumers.
Ang binabaan lamang ay ang allocation nito para sa irigasyon.
“Hindi po binawasan ng Board yung allocation for water supply kasi yun ang priority. Kung sakali mang bumaba ang tubig sa Angat dam, priority ang water supply at mag-a-adjust na lamang kung kaya pa nilang i-meet yung sa irrigation”.- Adel Duran, Pag-Asa Hydrologist
Samantala, bahagyang bumaba naman ang lebel ng tubig sa Pantabangan dam kumpara kahapon na nasa 195.05 meters ngayon habang ang Magat dam ay hindi naman masyadong bumaba sa natural na lebel nito na nasa 172.93 meters ngayon habang ang San Roque dam naman ay mataas pa ng 11 meters ang lebel ng tubig nito na nasa 250.08 ngayong araw.