Angeles City Justice Zone, ilulunsad sa Abril 12
Nakatakdang ilunsad ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC ang Angeles City Justice Zone sa Biyernes, Abril 12.
Ang Angeles City Justice Zone ang ikaapat na ilulunsad matapos ang Quezon City, Cebu City, at Davao City.
Ang Justice Zone Project ay isa sa mga proyekto ng JSCC na suportado ng Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice o GOJUST Programme.
Pangungunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang launching ng Justice Zone sa Jose Abad Santos Hall of Justice, Pulung Maragul, Angeles City.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa aktibidad sina Justice Secretary Menardo Guevarra,
Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año.
Gayundin sina European Union to the Philippines Ambassador Franz Jessen, Court Administrator Jose Midas Marquez, at mga lokal na opisyal ng Angeles City.
Ulat ni Moira Encina