Angeles City sa Pampanga, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-123 taon ng araw ng kalayaan ng Pilipinas

Kabi-kabilang payak na selebrasyon sa iba’t-ibang dako ng bansa ang nasaksihan ngayong araw, bilang paggunita sa ika-123 taon ng araw ng ating kasarinlan.

Alas otso ng umaga kanina nang magsimula ang programa sa Angeles City, Pampanga.

Itinaas ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pag-awit ng lupang hinirang.

Pinangunahan ito ni Mayor Carmelo Lazatin, Jr. kasama ang ilan sa mga opisyal ng Angeles City.

Bago matapos ang programa ay dumating din si Secretary Salvador Panelo.

Ayon kina Mayor Lazatin, Jr. at Vice Mayor Vicky Vega, kahit may pandemya ay hindi maipagpapaliban ang paggunita sa araw ng ating kalayaan.

Matapos ang seremonya, nagtungo ang government officials kasama ang mga panauhin sa museo ng Angeles city.

Lalong nasariwa sa mga bumisita sa museo, ang naging kabayanihan ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

Ulat ni Kisses Payumo

Please follow and like us: