Anggulo ng suicide bomber sa Jolo, Sulu explosion hindi isinasantabi ng Malacanang

Tinitignan ng Malakanyang ang posobilidad na suicide bomber ang nagsagawa ng pambobomba sa loob ng Mt.Carmel cathedral sa Jolo Sulu na ikinamatay ng mahigit dalawampung katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa tinatakbo ng inbestigasyon ng mga otoridad nakita sa loob ng simbahan ang pira-pirasong katawan ng tao na hinihinalang siya ang may dala ng bomba na sumabog.

Ayon kay Panelo lahat ng anggulo ng krimen ay masusing tinitignan ng mga inbestigador ng pamahalaan.

Inihayag ni Panelo sa ngayon ang mahalaga ay matukoy ang may kagagawan ng krimen para mabigyan ng hustisiya ang mga biktima.

Tiniyak naman ng Malakanyang na ginagawa ng mga security personnel ng pamahalaan ang lahat ng paraan para masigurong hindi na magaganap ang madugong terror attack sa Mindanao at iba pang panig ng bansa.

Katunayan nito nakalagay na sa red alert at highten alert ang buong puwersa ng militar at pulisya para magpatupad ng mas mahigit na seguridad upang hindi na magkaroon ng pagkakataon ang mga terorista na makapaghasik ng karahasan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *