Anim na fratmen na isinasangkot sa pagkamatay ng umano’y hazing victim na si John Matthew Salilig, dinala sa DOJ para sa inquest proceedings
Iniharap sa Department of Justice (DOJ) ng pulisya ang anim na fratmen na inaresto kaugnay sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.
Si Salilig ay hinihinalang namatay dahil sa hazing sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi Adamson University Chapter.
Iniulat na nawawala si Salilig noong Pebrero 18 at natagpuan naman ang bangkay nito sa Imus, Cavite noong Pebrero 28.
Ang anim na fraternity members ay kasalukuyang isinasalang sa inquest proceedings sa DOJ.
Kinilala ng pulisya ang anim na suspek na sina Romero Earl Anthony alyas Slaughter, Tung Cheng Teng Jr., Jerome Balot alyas Allie, Sandro Victorino alyas Loki, Michael Lambert Ritalde, at Mark Pedrosa.
Una nang inimbitahan ng pulisya ang anim sa presinto matapos na ituro ng isang sinasabing biktima at testigo na kasama ang mga ito sa hazing rites kay Salilig.
Moira Encina