Anim na indibidwal na isinasangkot sa mga matataas na lider ng NPA sa Rizal, kinasuhan na ng NBI sa DOJ
Kinasuhan na sa DOJ ng NBI ang anim na indibidwal na iniuugnay sa mga matataas na lider ng NPA sa lalawigan ng Rizal.
Tinukoy ng NBI ang mga ito na si Ke Be I alyas Lily Ong na isang negosyanteng Chinese; Brandy Solinap, Victor Dela Cruz, Bi-Lian Ke, Diosdado Bohol at Ke Quiao Li alyas Sam Jany.
Isinalang ang mga ito sa inquest proceedings sa DOJ kung saan sinampahan ang mga ito ng NBI ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act at RA 9156 o Illegal possession of firearms, ammunition nd explosives.
Naaresto ang anim nang magsagawa ng raid sa bisa ng search warrant ang NBI-Special Action Unit sa farm ni Lily Ong sa Bgy. Dalig, Teresa Rizal noong Martes.
Nakumpiska sa mga ito ang matataas na kalibre ng mga baril, bala at granada.
Walang naipakitang dokumento ang mga suspek na magpapatunay o magpapaliwanag kung bakit nasa kanilang pag-iingat ang mga high powered firearms and explosives
Iniimbestigahan na ng NBI kung ang mga suspek ay may kaugnayan sa lumulutang na Red October ouster plot laban sa pamahalaang Duterte.
Ulat ni Moira Encina