Anim na korporasyon at negosyante sinampahan ng BIR ng tax evasion complaint dahil sa hindi binayarang buwis na mahigit 134 million pesos
Umaabot sa 134 million pesos ang hinahabol na utang sa buwis ng BIR sa anim na korporasyon at negosyante mula sa Quezon City, Batangas at Cavite para sa mga taong 2010 hanggang 2014.
Ayon sa BIR, pinakamalaki sa tax liability ay sa negosyanteng si Tomasito T. Cruz na nasa construction business sa Tandang Sora, Quezon City na nasa 99.5 million pesos.
Sumunod ang may-ari ng isang gasoline service station sa San Pascual, Batangas na si Juanita L. Ilagan na 11.8 million pesos.
Nasa 11.16 million pesos naman ang hindi binayarang buwis ni Avella Tresreyes Lipata na nasa negosyo ng trucking at hauling service sa Commonwealth, QC.
Ang tatlong negosyante ay sinampahan ng BIR sa DOJ ng mga reklamong Willful Failure to Pay Taxes at Willful Failure to File returns.
Bukod sa tatlo, kinasuhan din ng tax evasion complaint ang FABCORP, INC., PHILOTIMO CONSTRUCTION, INC., at AMA INSURANCE AND REINSURANCE BROKERAGE.
Ulat ni Moira Encina