Anim na mga Filipinong inilikas mula sa Ukraine, ligtas na nakabalik sa Moldova
Ligtas na nakarating sa Moldova, ang anim na mga Filipino na inilikas mula sa Ukraine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga evacuee na nagawang makatawid sa Moldovan border ay kinabibilangan ng isang fourth-year medical student sa Bukovinian State Medical University, dalawang Pinay na kasal sa Ukrainian nationals (na ang isa ay bumiyahe kasama ang kaniyang dalawang taong gulang na anak na lalaki), at dalawang nagtatrabaho para sa isang international organization.
Sinabi ng DFA, na tumulong si Honorary Consul Victor Gaina ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Budapest, na pinamumunuan ni Ambassador Frank R. Cimafranca, para matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga Pinoy.
Ayon pa sa kagawaran, inaayos na ng Philippine Embassy sa Budapest at Philippine Consulate sa Chisinau, para madala sa Romania ang apat sa anim, kung saan naman sila magmumula pabalik sa Pilipinas.
Ang mga Filipino na kailangan ng repatriation assistance malapit sa mga border ng Moldova at Romania, ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa pamamagitan ng mga sumusunod na contact details:
Budapest PE emergency hotline
+36 30 202 1760
ATN Officer Claro Cabuniag
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)
Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no.(sad) +37369870870 o email addresses: [email protected] or [email protected]