Anim na OFWs mula sa Lebanon dumating na sa bansa
Nakauwi na sa bansa ang anim na Pilipinong OFWs mula sa Lebanon.
Dumating ang mga Pinoy pasado ala- 6 ng umaga ngayong Biyernes, November 3 sa NAIA Terminal 3 sakay ng Emirate Airways flight EK336.
Hiniling ng mga OFWs na marepatriate sila ng gobyerno mula sa Lebanon dahil sa tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel military bunsod ng Israel- Hamas conflict.
Nasa 100 Pinoy sa Lebanon na humiling na makauwi sa bansa.
Una nang itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Lebanon na ang ibig sabihin ay voluntary repatriation.
Sinalubong ang mga OFWs ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Sumailalim ang mga OFW sa medical exam ng Bureau of Quarantine nang dumating sa NAIA.
Sa pinakahuling tala ng DFA, tinatayang 17, 500 ang mga Pinoy sa Lebanon.
Moira Encina