Anim na pasahero ng eroplanong tinamaan ng turbulence nasa ospital pa rin sa Brazil
Anim sa dose-dosenang mga pasaherong nasaktan nang tamaan ng ‘severe turbulence’ ang isang eroplano na bumibiyahe galing Madrid, Spain, ang nasa ospital pa rin sa Brazil kung saan ito na-divert at nag-emergency landing.
Ayon sa Air Europa, ang nalalabing 303 ay ligtas nang nakarating sa kanilang destinasyon sa Montevideo, mahigit isang araw matapos na tumama sa isang ‘severe turbulence’ ang kanilang eroplano noong Lunes.
Ang Boeing 787-9 Dreamliner na may lulang 325 mga pasahero at patungo sana sa Uruguay, ay na-divert sa paliparan ng Natal sa hilagang-silangang Brazil makaraang tumama sa “severe turbulence.”
This picture from passenger Claudio Fernandez Arbes shows damage to the interior of thep lane / Claudio FERNANDEZ ARBES / AFP
Sinabi ng health secretariat ng Rio Grande do Norte state ng Brazil, “Forty passengers were taken to hospitals and clinics in Natal for treatment of abrasions and minor traumas.”
Ayon sa Air Europa, “Most of the injuries were ‘bruises and contusions.’ At the moment, only six passengers remain in the hospital in Natal along with some of their companions.”
Dumating naman sa Montevideo nitong umaga ng Martes ang 303 mga pasahero, makaraan silang ilipat mula Natal patungo sa Recife, at mula doon at sumakay sa ibang eroplano na ipinadala galing Madrid patungo sa kapitolyo ng Uruguay.
More than a dozen ambulances waited on the tarmac in Natal / Claudio FERNANDEZ ARBES / AFP
Dagdag pa ng airline, “Air Europa deeply regrets what happened, as well as the inconvenience caused to its customers, we wish the injured a quick recovery.”
Sa ulat ng Brazilian authorities, kabilang sa mga nasaktan ay mamamayan ng Spain, Argentina, Uruguay, Israel, Bolivia at Germany.
Ang nangyari noong Lunes ang pinakabago na kinasasangkutan ng isang Boeing plane, habang ang manufacturer nito ay nasa gitna ng pambabatikos kasunod ng isang “near-catastrophic event” noong January, nang makalas ang isang fuselage panel mula sa isang Alaska Airlines-operated 737 MAX.