Anim patay sa sunog sa isang road tunnel sa South Korea
Anim katao ang namatay matapos magbanggaan ang isang bus at trak, na nagdulot ng malaking sunog sa isang expressway tunnel sa labas ng Seoul.
Sinabi ng isang opisyal sa Gwacheon fire department, na nagsimula ang sunog nang bumangga ang isang bus sa isang trak bandang 1:50 ng hapon (0450 GMT) sa tunnel ng expressway sa Gwacheon.
Makikita sa mga larawan na ipinakita ng local media, na ang raised tunnel, na idinisenyo upang protektahan ang mga nakapalibot na gusali mula sa ingay ng kalsada, ay mabilis na nilamon ng apoy.
Sinabi ng isang opisyal na nakontrol na ng mga bumbero ang sunog.
Aniya, “We are doing a search inside the tunnel in case of additional casualties.”
Samantala, humigit-kumulang sa 20 katao ang isinailalim sa treatment dahil sa smoke inhalation.
Nanawagan naman si Interior Minister Lee Sang-min para sa “maximum resources deployed” para makapagligtas ng buhay.
Sinabi pa niya, “I urge the authorities to put out the best efforts to save the lives of those who have not escaped.”
Ang fatal accident ay nangyari ilang buwan lamang makaraang masawi ang 150 katao, na karamihan ay mga kabataang babae, sa isang Halloween crowd crush sa Itaewon nightlife district.
© Agence France-Presse