Animnapu sugatan sa dalawang pagsabog sa Thailand

Animnapu ang sugatan at apat ang nasa malubhang kalagayan sa dalawang nangyaring pagsabog sa isang palengke sa Patttani, Thailand.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Thai police officers naganap ang unang pagsabog sa parking area ng naturang palengke na nakalagay sa  loob ng utility box ng isang motorsiklo ang pampasabog.

Ang ikalawang bomba naman ay sumabog sa loob ng isang nakaparadang kotse sa harapan ng palengke.

Ayon kay Deputy National Police Spokesman Krissana Pattanacharoen, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog at tinitingnan din nila kung ito ay isang uri ng teroristic activity.

Mariin namang kinondena ni Thailand Prime Minister Pryut Chan o Cha ang nangyaring pagsabog sa kanilang bansa.

Ulat ni: Jet Hilario

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *