Animnapu’t isa patay sa pagbagsak ng isang eroplano sa Brazil
Isang regional turboprop plane ang nahulog sa tinatawag ng aviation experts na flat spin bago bumagsak sa isang residential neighborhood malapit sa Sao Paulo, sa Brazil nitong Biyernes na ikinamatay ng lahat ng 61 kataong lulan nito.
Sa video na ibinahagi sa social media, makikita ang ATR-72 na umiikot nang wala sa kontrol habang ito ay bumabagsak sa isang kumpol ng mga puno malapit sa mga bahay, na sinundan ng makapal at maitim na usok.
Authorities arrive at the site where a turboprop plane crashed killing all passengers and crew on board, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024. REUTERS/Carla Carniel
Ayon sa isang residente na si Daniel de Lima, “I heard a loud noise before looking outside my condominium in Vinhedo and seeing the plane in a horizontal spiral. It was rotating, but it wasn’t moving forward. Soon after it fell out of the sky and exploded.”
Sinabi ng mga opisyal ng lungsod sa Valinhos, malapit sa Vinhedo, na isang bahay sa local condominium complex ang nasira matapos bumagsak ang eroplano sa likod-bahay nito. Wala namang nasaktan sa mga residente.
Authorities arrive at the site where a turboprop plane crashed killing all passengers and crew on board, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024. REUTERS/Carla Carniel
Sinabi ni de Lima, “I almost believe the pilot tried to avoid a nearby neighborhood, which is densely populated.”
Ang hindi pangkaraniwang huling circling motion ng eroplano bago tumama sa lupa, ay lubhang ipinagtaka ng aviation experts, na humantong sa iba upang mag-isip na nagkaroon ng ice buildup sa eroplano o kaya ay nakaranas ito ng engine failure, ngunit sinabi ng mga imbestigador na masyado pang maaga upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak nito.
Sinabi ni Voepass Chief Operations Officer Marcel Moura, “Today ice was predicted (at the altitudes the plane was flying at), but within the acceptable range. But the plane is sensitive to ice, that could be a starting point.”
Aniya, “The plane’s de-icing system, along with all other systems, had been deemed operational before takeoff.”
A funerary services vehicle arrives at the site where a turboprop plane crashed killing all passengers and crew on board, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024. REUTERS/Carla Carniel
Ayon sa Brazilian aviation engineer at crash investigator na si Celso Faria de Souza sa Reuters, ang ice buildup ang maaaring naging sanhi ng pagtigil at pag-ikot ng eroplano gaya ng nangyari rito.
Sinabi ng head ng Brazilian aviation accident investigation center na Cenipa, na ang tinatawag na “black box” ng eroplano na naglalaman ng voice recordings at flight data ay narekober na sa crash site.
Ayon kay U.S. aviation safety expert Anthony Brickhouse, “Investigators would look at things like weather and whether the engines and controls were functioning properly ahead of the crash. From what I’ve seen, it was definitely what we would call loss of control.”
Sabi naman ni U.S. aviation safety consultant at dating commercial pilot John Cox, “Flightradar data showed significant gyrations in speed before the crash.” Ngunit nais niyang maberipika ang data.
Aniya, “Something ‘really significant’ happened to cause the plane to spin when it came down. It appears that there may have been some catastrophic event before that loss of control.”
Sa isang press conference ay sinabi ni Cenipa head Marcelo Moreno, na batay sa initial reports, hindi tumawag sa traffic control ang eroplano upang magreport ng isang emergency.
Authorities arrive at the site where a turboprop plane crashed killing all passengers and crew on board, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024. REUTERS/Carla Carnie
Sa kabuuan, ang eroplano ay may lulang 57 mga pasahero at apat na crew, ayon sa Voepass, ang pang-apat na pinakamalaking airline ng Brazil sa pamamagitan ng market share. Lahat ng sakay ng eroplano ay pawang mayroong Brazilian-issued documents.
Ilan sa mga pasahero ay mga doktor mula sa Parana na dadalo sana sa isang seminar, ayon kay Governor Ratinho Junior.
Aniya, “These were people who were used to saving lives, and now they’ve lost theirs in such tragic circumstances.”
Ang Franco-Italian ATR, ay magkasamang pagmamay-ari ng Airbus (AIR.PA) at Leonardo (LDOF.MI), ang dominant producer ng regional turbopop planes na may seating capacity na 40-70 katao.
Ayon sa ATR, “Our specialists were ‘fully engaged’ with the investigation into the crash and our customers.”
Kinumpirma naman ng RTX Corp (RTX.N), ang parent company ng Pratt & Whitney Canada na siyang may gawa ng PW 127 na siyang makina ng bumagsak na eroplano, na nag-alok na sila ng tulong sa imbestigasyon.
Sinabi ni Moreno, “Both French and Canadian investigators will participate in the investigation. Europe’s safety regulator also said it would offer technical assistance.”
Ang pagbagsak ng nasabing eroplano ang itinuturing na “deadliest” sa Brazil mula noong 2007, nang mamatay ang 199 katao sa isang flight na operated ng TAM, na kalaunan ay sumanib sa LAN na ngayon ay tinatawag nang LATAM Airlines.