Anini-y PNP Municipal Station, nagkaloob ng libreng sakay sa Antique
Nagkaloob ng libreng sakay sa publiko ang mga tauhan ng Anini-y municipal police station sa Antique.
Ito ay dahil sa limitado pa rin sa bayan at buong lalawigan ang biyahe ng mga pampublikong sasakayan dahil sa Covid 19 pandemic.
Bukod sa pagkakaloob ng libreng sakay sa publiko, namamahagi rin ang mga police personnel ng flyers at pamphlets na naglalaman ng mga programa at proyekto ng PNP sa kanilang bayan laban sa iba’t-ibang uri ng kriminalidad at paalala na rin ukol sa pag iwas at pag-iingat sa sakit na Covid 19.
Tuluy-tuloy din ang ginagawang pagpapatrolya ng mga PNP personnel sa mga checkpoint area, sa mga barangay at pakikipagdayalogo sa mga opisyal ng mga barangay sa kanilang lugar para mapaigting ang Peace and Security sa kanilang nasasakupan.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa mga tauhan ng PNP Anini-y, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Lieutenant Berlyn Visda, dahil sa serbisyo publiko na kanilang ibinibigay para sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Ulat ni Klint Calimpong