Ano ang S-Pass? Paano ito makatutulong sa mga biyahero?

logo

Kung ikaw ay isang biyahero na paroon at parito sa ibat ibang lugar, malaki ang maitutulong ng S-PaSS o Safe, Swift and Smart Passage.

Sinabi ni Engr. Francisco Barquilla III, OIC-Asst. Regional Director for Technical Operations/Supervising Science Research Specialist ng DOST-CALABARZON na ang S-Pass ay idineveloped ng DOST Region VI.

Isang itong Travel Policy ng mga Local Government Unit o LGU.

Ito ay inirekomenda ng IATF na gamitin upang maging one-stop communication and coordination platform para sa mga mamamayan na bumibiyahe at ng LGUs.

Ayon pa kay Barquilla, ang mga taong nais bumiyahe ay mainam na gumamit ng S-PaSS.

Maaari nilang i-check ang travel policy at requirements ng LGU na kanilang pupuntahan.

Mag-apply online ng travel documents depende sa polisiya ng LGU.

Sa pamamagitan ng S-Pass, malalaman ng mga bibibiyahe ang mga lugar kung restricted o unrestricted.

Sabi pa ni Barquilla, kung restricted, maaaaring makapag-apply sa mismong website ng travel coordination permit (TCP) or travel pass-through permit (TPP).

Ipinaliwanag ni Barquilla na upang mag-register, kailangan ng device na maaaring i-connect sa internet tulad ng cellphone, laptop, tablet, o desktop computer.

Pagkatapos ay pupuntahan ang s-pass.ph para mag-register at magamit ang system.

Ayon pa kay Barquilla mas maganda kung Google Chrome ang gagamitin na web browser.

Kailangan din ng personal mobile number sa pagreregister.

Maaari din na may email address ka na magagamit kung sakaling kailangan mo i-reset ang password mo.

Magagamit ng LGUs ang S-Pass upang magkaroon ng real-time monitoring data sa lahat ng mga magtutungo sa lalawigan.

Gamit ang S-Pass, hindi na mahirapan ang mga biyahero na makakuha ng impormasyon sa mga lugar na pupuntahan lalong lalo na at nararanasan pa rin ang pandemya na dulot ng covid 19.

Dagdag pa ni Barquilla na sa ngayon hindi pa lahat ng LGUs ay gumagamit ng S-Pass, kaya mainam na malaman ng isang biyahero kung nakapag activate na ng S-Pass ang LGU na nais na pupuntahan.

Please follow and like us: