Ano ang sinasabi ng pustiso sa kalusugan mo?
Alam n’yo ba na may mensahe ang pustiso sa kalagayan ng kalusugan ng isang tao? Pag usapan muna natin ang external effects ng pustiso kapag hindi tama o mali na o masyado ng luma?
Ang mukha ay parang laging nakasimangot. Ibig sabihin lumiliit o umiiksi na ang vertical height ng ngipin. Remember, may height o sukat ang ngipin. At kapag ganito na ang nakikita, may problema na sa pustiso.
Makikita naman ito kapag ngumiti ang isang tao. Kapag luma na ang pustiso ang tendency hindi na nakikita ang ngipin kapag nag smile. O pwede ding isang part lang ang nakikita, yung lower o upper part lang ng ngipin.
Habang nagtatagal nauupod ang buto. Nauupod ang panga. Minsan ang panga ay hindi masyadong naupod pero ang pustiso naman ang nagka problema.
Madali lang naman itong makita, tanggalin ang pustiso, makikita ang mga ngipin kung saan may pudpod, soon ang mukha ay hindi na pantay.
Halimbawa ang denture ay pudpod sa kanan o kaliwa, doon maliit ang mata, o maliit ang tenga o ang butas ng ilong. Ibig sabihin ang buto sa side na ‘yun ay hindi pantay kapag kumakain lagi lang sa isang side, dahil doon naupod ang buto.
Puntahan naman natin ang internal effect. Ano ba ang nararamdaman kung ang dentures mo ay mali na? Ibibigay ko ang warning signs na hindi dapat balewalain, nakakagat na ang pisngi, nakakagat na ang dila, nabibilaukan na madalas, at nagkaproblema na sa paghinga. Madalas na ring nagkakasingaw, maliit na rin ang nganga.
So, harap ka sa salamin at tingnan mabuti kung pantay pa rin ang mukha, kung hindi, baka dahil sa pustiso na ‘yan!