Ano-ano nga ba ang paraan para sa epektibong pagbebenta ng produkto?
Marami ang nagsasabing ang pagbebenta o selling ay isang talento.
Ang ilan ay naniniwala naman na ang selling ay isang art matching products benefits para sa mga tao na may gusto sa isang produkto o serbisyo.
Pero ano-ano nga ba ang epektibong pamamaraan para makabenta ng produkto?
Sa panayam natin sa programang “Shoppers’ Talk” kay Ms. Ria Ramos Secreto, seller ng fish at seafood products. May binigay siyang mga tip ukol sa tatlong “P”, ang Product, Price, and Promote.
Sa magsisimula pa lang na magnegosyo kailangang alamin ang produktong nais itinda, ang kalidad ng mga ito ay mahalaga upang balikan tayo ng mga customer. Maganda rin kung ito ay kakaiba o wala masyadong kagaya at kakumpetensya.
Mahalaga rin ang pagpili ng puwesto o lugar. Katulad ng kanyang paninda, ito ay mga isda, kaya sa palengke sila humanap ng pwesto.
Sunod ang presyo, isa sa mahalagang basehan kung bakit tinatangkilik ang produkto ay dahil sa presyo, worth the price, worth the money.
Panghuli ay ang ‘Promotion’. Sa ilalim nito kabilang dito ang magandang serbisyong ibinibigay natin sa mga customer, tulad ng pagdedeliver ng produkto na free of charge kapag malapit sa location ng shop. Maging kung ano ang gusto ng kliyente, ito ang dapat masunod o maibigay sa kanya.
Mainam rin gumawa ng promotions gaya ng buy one, take one, pagbibigay ng discounts at freebies.
Malaking factor din ang “suki relationship”. Dito nakakukuha ng referrals, word from mouth ika nga.
Isa ring powerful tool ang paggamit ng social media sa negosyo, dapat natin matutuhan ang pag-o-online selling.
Ngayong panahon ng pandemya, sabi ni Ria, naging malaking tulong ang paggamit niya ng social media dahil mas lumakas ang benta nila. Dito rin nakakukuha ng customer mula sa malayong lugar.
Paalala naman niya na maging maingat sa pagpopost sa social media. Gamitin ito sa maayos na kaparaanan.
Dagdag pa niya na sa loob ng 17 yrs. na kanilang pagnenegosyo, naranasan nila ang ups and down dito. Sikapin lagi kung paano mapabubuti ang serbisyo at pagkikipag-ugnayan sa customers.