Ano ba ang epekto sa kalusugan kung mouth breather ka?
Ibabahagi ko ngayon sa inyo ang ukol sa mouth breathing lalo na sa mga bata. Paano nga ba nakakaapekto ang mouth breathing sa dental development ng bata?
Kapag ang isang bata na nakanganga habang natutulog ay apektado na agad ang pagtubo ng ngipin. Ang pagtubo ng upper and lower teeth ay hindi na magtutugma. So, ang upper jaw ng bata o ang upper na panga at lower jaw ay hindi magtutugma.
Ang mouth breather at may TMJ problem na agad (temporomandibular joint). Lalaki na may problema sa panga. Tandaan na ang bibig ay hindi nakadesign na nakanganga kapag natutulog. Ang ilong ang filtering na siyang magbibigay ng proper oxygenation at hindi ang bibig.
Ang mouth breathing ay patungo na sa snoring o paghilik at sleep apnea. Umpisa ay nakanganga, tapos maghihilik na at sa susunod patigil-tigil ang paghinga o may sleep apnea na. At kapag ganito ay malaking problema. Kasi ang bata kapag humihinga sa bibig, kulang sa oxygen dahil nakaurong ang dila.
Ang mga batang mouth breather ay kadalasang sungki-sungki ang ngipin, open bite pagkagat nila ang upper at lower teeth ay hindi nagtatagpo, walang meeting point.
Kaya nga paalala natin sa mga nanay, baby pa lang ang inyong anak kapag natutulog at nakanganga ang bibig, isara po ninyo. Kapag hindi ginawa magiging habit forming at lifetime na gagawin ng bata at dahil dito hindi lang ngipin ang apektado pati facial development niya.
Kung sa matanda pwede lagyan ng tape ang bibig kapag nakanganga pero hindi sa bata.
May reflex ang bata na kapag isinasara ang bibig ay ganun ang kalalakihan nya.
Samantala ang epekto sa facial, ang bata ay lalaking walang baba, o maliit ang baba. Hindi nagmamatch sa nguso kaya nakaatras ang baba.
Pati ang cheekbone ay flat. At ang mukha ay mahaba o long faced. Kaya hindi lang ngipin ang apektado kundi pati ang features ng mukha rin. Kaya marahil mapapansin ninyo na may mga bata na wala silang baba at ang liliit ng nganga.
At panghuli kapag mouth breather ang bata, hindi maiiwasang mamaga ang tonsils. Kaya hindi katakataka na bata pa ay natanggalan na ng tonsil.
Sana ay nakatulong ang impormasyong ito lalo na nga’t mouth breather ang inyong anak.