Ano ba ang inilalabas ng katawan kapag palatawa tayo?
Hi, sa inyong lahat mga kapitbahay! Tumatawa tayo kapag nakapanood tayo ng nakatatawang pelikula o mga pangyayaring mapapahagalpak ka ng tawa, o may nagkuwento kaya na matatawa ka.
May mga tao talagang palatawa, masayahin o palabiro. Dito umikot ang kuwentuhan kasama si Ms. Joanna Marie Condat ng Philippine Mental Health Association o PMHA ukol sa health benefits ng laughter.
Ang sabi ni Ms. Joanna, maaaring hindi natin alam pero, maraming benepisyo sa kalusugan ang naibibigay ng pagtawa, puwedeng social, emotional, o physical benefits.
Sa physical, kapag tayo ay tumatawa, may kemikal na inilalabas ang ating katawan, ito ay ang happy hormones o endorphines.
Nagbibigay ito sa atin ng magandang feeling na kahit tapos ka ng tumawa, masarap pa rin ang pakiramdam mo, Maliban pa rito, nakatutulong ang pagtawa sa pagboost ng immune system, tumataas ang antibodies at bumababa ang stress hormones, kung kaya nagiging resistant sa mga sakit.
Sa mental at emotional aspect naman, sinasabing ang mga Pinoy ay isa sa pinakamasayahing tao sa mundo, may sense of humor kahit sa panahon ng mga kalamidad, nakatutulong para maging resilient.
Samantala, sa social aspect naman, hindi ba’t mas madali tayong nakakahikayat ng mga tao sa paligid kapag may positive vibration? Ibig sabihin, kapag nakarinig tayo na may tumatawa sa paligid natin, sa sarap ng halakhak, pati ikaw tuloy ay napapangiti o nahahawa na rin sa pagtawa.
Alam n’yo ba sabi ni Ms. Joanna na malaki ang maitutulong na sa paggising mo pa lang sa umaga ay ngumingiti ka na o nginitian na ang sarili sa salamin? Think positive about yourself. Paglabas ng bahay, greet your neighbors, officemates at huwag magpadala sa mga negatibong pangyayari gaya ng traffic o may nakapagpa bad trip sa’yo habang papasok sa trabaho.
Nagbigay ng tips sa Ms. Joanna to develop a sense of humor like… laugh at our mistakes, not to take things so seriously. Kapag nagkamali tayo o may nangyaring kahiya-hiya sa harap ng tao, sa halip na mag-isip ng negatibo ay tingnan ang brighter side ng pangyayari.
Halimbawa, nadulas ka at marami ang nakakita o nakasaksi, nakakahiya! Imbes na magalit ka at magtaray sa mga tumawa sayo, makitawa ka na lang sa kanila at sabihin mong excited ka kasing magswimming kaya nag-dive ka na agad.
Sabi pa niya na maglaan tayo ng oras na makasama ang mga taong nakapaghahatid sa atin ng saya o positive vibrations. Paminsan-minsan mas magandang may nakakasama tayo na nakapagpapagaan ng pakiramdam natin.