Ano bang klaseng langis ang okay sa masakit na katawan?
Magandang araw mga kapitbahay !
Tanong ko lang po, kapag masakit ang inyong katawan, hanap n’yo rin ba ay langis o pamahid sa katawan?
Ano nga ba ang naidudulot nito sa atin?
Ang daming naglalabasan na mga pamahid, may efficacent, liniment, magnesium, at kung anu-ano pa!
Kaya nga tinanong natin si Dr, Rylan Flores, Orthopedic Surgeon ukol sa dito.
Ang sabi niya, ginagawa ng marami na nagpapahid ng liniment , ginger oil at iba’t ibang essential oils para makapagbigay ng init sa bahaging makirot.
Maaaring tuhod, siko, kamay, paa, likod.
Dalawa ang trabaho ng muscle, una, para tayo kumilos o gumalaw; at pangalawa, panatilihin ang ating core body temperature, ibig sabihin panatilihin ang init ng katawan.
Kaya kapag namamaga, talagang masakit.
Ito ang rason kaya nag-aapply ng warm compress, kasi kapag mainit narerelax ang muscles.
Ang init ay nag-e-evaporate sa katawan.
Dagdag pa ni Doc Rylan, actually, kahit anong ilagay ninyo whether magnesium oil, gel, karnaiwang langis man yan, basta ang prinsipyo ay nakapagbibigay ito ng init.
Kung hindi tayo makabibili ng mga nabanggit sa itaas, ito po ay walang bayad na makapagbibigay ng ginhawa, simple lang, warm compress sa kumikirot na bahagi ng katawan.
Sa isang lalagyan, kung meron kayong hot or cold compress bag o bote kaya, lagyan ito ng mainit na tubig (huwag ang napakainit na kumukulong tubig at baka malapnos ang balat).
Idampi o ilagay sa apektadong kumikirot o sumasakit na bahagi ng katawan sa loob ng 20 minuto.
At kung kamay o paa naman.
Mas mainam na ibabad sa palanggana ang kamay at siko (buong forearm).
Kung sa paa, mas mainam kung kasama ang binti, dahil ang binti ang nagpapaggalaw sa paa.
Gawin ito for 20 minutes din pero huwag ‘yung masyadong mainit at baka malapnos ang balat ninyo.
O ayan mga kapitbahay, ilang impormasyon sa mga karaniwang problema natin, hindi dapat magtalo-talo, dapat magtanong lang!