Ano nga ba ang dapat malaman tungkol sa “milk”?
Hello mga kapitbahay! Pagkuwentuhan natin ang milk o gatas. Umiinom ka man nito o hindi, mahalagang may kaalaman tayo sa benepisyong maidudulot nito sa ating kalusugan.
May iba-ibang uri ang gatas, may whole or full cream milk, low fat milk, skim milk, soy milk, quinoa milk, oat milk at almond milk.
Ngayon, para lalo nating maunawaan ang ukol sa gatas, kinuha natin ang ilang naging pahayag ni Ms. Johayra Nie Gammad, Registered Nutritionist mula sa programang Ito ang Tahanan sa Radyo Agila.
Sabi ni Ms. Johayra, magkakaiba ang fat content ng gatas. Mas mataas ang fat content, mas malinamnam.
Sa growing kids inirerekumenda ang whole milk hindi lang dahil sa additional source of energy kundi para maprocess ang fat soluble vitamins. Sa adults naman may option sila, low fat o skim milk.
Hindi maiwawaglit na banggitin kapag gatas ang pinag-uusapan ang ukol sa lactose intolerance. Ano nga ba ito? Ayon Kay Ms. Johayra, ang mga taong may lactose intolerance ay ‘yung may kakulangan sa enzyme para ma-digest ang milk sugar na nasa gatas.
Kaya ang nangyayari nakararanas sila ng diarrhea o pagdumi. So, ano na ngayon ang puwedeng maging pamalit o alternative?
Maaaring ang inuming gatas ay plant based o plant milk, oat milk , o almond milk na available sa market.
Samantala, ang pag-inom ng gatas ay inirerekumenda sa mga bata at matanda. Isang baso hanggang dalawang baso sa mga bata, habang isang baso sa adults. At sa mga ayaw uminom ng gatas merong substitute gaya ng milk products tulad ng cheese, ice cream, yogurt at marami pang iba.
Alam ba ninyo na sa ngayon ang isang baka o dairy cow ay nakapagpoproduce Ng 6,500 liters of milk sa isang taon? Habang ang ibang breed ay nasa halos 10,000 liters.
Ang Holstein-Friesian cow ay nakapagpoproduce ng mas maraming volume, habang ang ibang lahi gaya ng Ayrshire, Brown Swiss, Guernsey at Jersey ay mas kaunti ang naipoproduce subalit ang kanilang gatas naman ay nagtataglay ng mas mataas na protina, fat, at total solids.
So, mga kapitbahay, ilang kaalaman lang tungkol sa gatas. Sana makatulong ito para mahikayat tayong uminom ng milk.