Anong ibig sabihin ng RSVP?
Magandang araw mga kapitbahay! Kelan ba kayo huling nakatanggap ng imbitasyon na may R.S.V.P?
Karaniwan natin itong nakikita sa wedding invitation , di ba? Pwede rin sa mga special occasion or gathering .
R.S.V.P. , repondez sil vous plait, French phrase for ‘please reply’ o ‘ please respond’. Ibig sabihin , kapag nakita mo ito sa imbitasyon, dapat na sagutin o mag reply ka kung makapupunta sa okasyon o hindi.
Dito lalabas kung tayo ba ay responsable o iresponsable . Kung babalewalain ba natin kahit R.S.V.P ito?
Kapag nakatanggap ng R.S.V.P request ,ituring mong espesyal ka sa nagpadala. Malapit o mataas ang respeto sa’yo dahil hindi lahat ay maaaring pumunta sa okasyon, pero ikaw, imbitado. Hindi pwede ang gate crasher, ika nga.
Kung talagang hindi ka makadadalo dahil sa di kakayanin ng schedule mo, o dahil sa anomang kadahilanan, kailangang ipaalam agad sa pamamagitan ng pagtawag sa kinauukulan na ang numero ay nandun sa invitation .
Walang masama kung magdecline. Gawin lang ito nang maayos. Ang sabi nga, do it with sincerity, at syempre, may respeto, for the person who sent it to you.
And that’s it , sana ay nakapagpaalala kami sa inyo, para hindi magtampo ang inyong kakilala, kaibigan o sinoman na nag invite sa’yo ng R.S.V.P. Next time ulit, ito si Julie Fernando, ang inyong … KAPITBAHAY!