Antas ng banta ng terorismo sa Australia itinaas na sa “malamang” mula sa “posible”
Itinaas na ng Australia ang kanilang terror threat level sa “probable” o “malamang” mula sa “possible” o “posible,” banggit ang dumaraming extremist views na maaaring magresulta sa 50% tyansa ng pagpaplano ng isang onshore attack sa susunod na 12 buwan.
Sinabi ni Prime Minister Anthony Albanese, na itinaas niya ang threat level ng bansa kasunod ng payo mula sa security services, ngunit sinabi ring wala namang napipintong banta ng isang pag-atake.
Aniya, “The advice that we have received is that more Australians are embracing a more diverse range of extreme ideologies and it is our responsibility to be vigilant.”
Ibinaba ng Australia ang threat level sa “possible” noong 2022, kasunod ng walong taong “probable.”
Ayon kay Mike Burgess, director general ng Australian Security Intelligence Organisation, ang main intelligence agency ng bansa, ang mga tensiyon sa Middle East, kabilang ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Hamas na nagsimula noong Oct. 7, ay isang ‘contributing factor’ sa pagtataas ng threat level.
Aniya, “The conflict has fuelled grievances, promoted protests, undermined social cohesion and elevated intolerance”
Ang Australia ay nakaranas na ng ilang mararahas na pag-atake nitong nakalipas na mga buwan, na ang ilan ay ibinibilang na udyok ng ‘extremism.’
Noong Abril, sinabi ng Australian police na isang knife attack sa Assyrian church bishop at ilan sa kaniyang followers sa Sydney, ay isang terrorist act na udyok ng hinihinalang religious extremism.