Antas ng tubig sa Angat Dam aabot sa low level na 180 meters sa katapusan ng Abril
Posibleng sa huling bahagi ng Abril o sa unang linggo ng Mayo ay umabot sa low level na 180 meters ang water level sa Angat.
Kaninang alas 6:00 ng umaga , nasa 189.52 meters ang water level sa Angat dam.
Pero ayon kay Pag-Asa Hydrologist Richard Orendain, hindi ito dapat ikabahala dahil sasapat pa naman ang suplay ng tubig para sa domestic use sa Metro Manila.
Sinabi ni Orendain na sa nasabing petsa, ang para sa domestic use na lamang ang ilalabas ng Angat dam. hindi na aniya maglalabas ng ang Angat ng para sa irigasyon.
2010 nang umabot sa lowest level ang antas ng tubig sa Angat dam na 156 meters.
Sa ngayon malayo pa aniyang maabot ito ng Angat lalo at weak El Niño lamang naman ang ang umiiral hindi gaya nuong 2010 na strong El niño ang naranasan sa bansa.