Antas ng tubig sa Angat dam at mayorya ng mga dam sa Luzon, tumaas ngayong araw
Muling naragdagan ang antas ng tubig sa Angat dam at mayorya ng mga dam sa Luzon dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.
Sa tala ng Pag-Asa, Hydrometeorology Division, mula sa 183.92 meters, umakyat sa 185.96 ang antas ng tubig ngayong araw sa Angat dam.
Tumaas din ang antas ng tubig sa karamihan ng mga dam sa Luzon:
Ipo Dam- mula sa 101.06 meters kahapon, naitala sa 101.09 meters ngayong araw.
Ambuklao dam- 746.77 meters kahapon, naitala sa 747.06 meters ngayong araw
Binga dam, mula sa 573.30 meters, naitala sa 573.58 meters ngayong araw.
San Roque dam – mula sa 240.29 meters, naitala sa 240.48 meters ang antas ngayong araw.
Pantabangan dam, mula sa 187.85 meters ay naitala sa 188.15 meters ang lebel nito ngayong araw.
Magat dam, 184.91 kahapon, naitala sa 185.36 meters ngayong araw
At ang Caliraya dam, mula sa 287.68 meters ay naitala sa 287.70 meters ngayong araw.
Samantala, tanging ang La Mesa dam lamang ang nakapagtlala ng bahagyang pagbaba sa antas ng tubig mula sa 79.47 meters ay naitala sa 79.35 meters ngayong araw.