Antas ng tubig sa Angat dam, bahagyang bumaba
Bahagyang bumaba ang antas ng tubig sa Angat dam ngayong araw.
Ayon kay Pag-Asa Hydrologist Oyie Pangulayan naitala kaninang alas-sais ng umaga ang water level ng Angat sa 161.22 meters mula sa 161.28 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay bahagyang tumaas na naitala sa 73.92 meters ngayong araw mula sa elevation nito kahapon na 73.89.
Samantala, nakapagtala rin ng bahagyang pagtaas ang ilang mga dam gaya ng Ipo dam na nagtala ng 100.77 meters ngayong araw, Ambuklao- 744.30, Binga-570.33, San Roque-231.38, Magat dam ay 182.71.
May bahagya namang pagbaba ang Pantabangan dam na nagtala ng 189.30, Calirakaya-286.38.
Gaya ng dati, hindi pa rin tumataas ang lebel ng tubig sa Angat dam dahil kahit may mga pag-ulan ay hindi naman ito napupunta sa water shed nito.
“Kahit meron tayong mga pag-ulan ay hindi naman ito pumupunta sa water shed ng Angat, tapos kung medyo mainit pa po kasama pa yun na losses ng isang water shed yung mga evaporation”.