Antas ng tubig sa La Mesa Dam, nasa kritikal na


Nasa critical level na ang tubig sa La Mesa Dam matapos itong bumagsak sa 72 meters.

Dahil dito, nanganganib na mawalan ng suplay ng tubig ang libu-libong customers ng Manila Water , partikular sa silangan ng Metro Manila.

Sinabi ng Manila water, mas mataas ang demand sa tubig ngayon kaysa sa alokasyong nakukuha bunsod ng mas mataas na temperatura, mas maraming tao at mas maraming establisyimentong gumagamit ng tubig.

Ipinatupad na ang mas mahinang pressure ng tubig mula gabi hanggang madaling araw bunsod ng mababang lebel ng tubig sa dam.

Sakaling bumaba pa ito sa 69 meters, maaaring magsara na ang East La Mesa treatment plant , na makakaapekto sa suplay ng tubig sa lungsod ng Marikina at mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *