Anti- Agricultural Economic Sabotage lusot sa Senado
Lumusot na sa committee level ng senado ang panukalang batas na magdedeklara bilang economic sabotage at walang piyansa ang Hoarding, Profiteering at pagka-cartel ng mga produktong pang Agrikultura.
Sa senate bill number 2432 o Anti-Agricultural Economic Sabotage, maaaring kasuhan ng economic sabotage ang mapapatunayang nagpuslit, nagtago at sobra sobra ang inimport na mga gulay, karne, isda at ipa bang agricultural products
Idedeklara itong hoarding kapag ang produkto na itinago ng isang negosyante ay lagpas na sa 30 percent ng kanilang karaniwang imbentaryo
Ang profiteering naman ay tutukoy sa kawalan ng price tag, pandaraya sa timbang o sukat at kalidad ng produkto at kapag nagtakda ng presyo na mas mataas ng 10 percent kuimpara sa kasalukuyang presyo sa merkado.
Habang ang cartel ay pagsasabwatan ng dalawa o higit pang negosyante para ipitin ang suplay at manipulahin ang presyo ng mga produkto.
Ituturing na pananabotahe sa ekonomiya, na may parusang habambuhay na kalaboso at malaking multa kapag ang halaga ng ipinuslit o inipit na agricultural at fishery products ay hindi bababa sa isang milyong piso.
Kapag taga gobyerno ang naging kasabwat o tumulong sa krimen, o kaya ay sumabotahe sa pagtugis at paghahabla sa mga suspek, habambuhay ding kalaboso at pagbabawalan nang humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.
Sa panukala, bubuo ng anti agricultural economic sabotage council na pamumunuan ng department of agriculture o DA, aatasan ito na bumuo ng pambansang plano para masawata ang agricultural economic sabotage.
Meanne Corvera