Anti-COVID 19 Kits ipamamahagi ng mga opisyal ng SK Federation ng General Emilio Aguinaldo Cavite


Mamahagi ng anti-Covid-19 kits ang mga opisyal ng SK Federation sa 14 na barangay na sakop ng General Emilio Aguinaldo-Bailen, sa Cavite. 


Layunin nitong makatulong ang mga opisyal na mapigilan ang pagdami at pagtaas ng kaso ng Covid 19 sa kanilang lugar.  


Isang hakbang din ito ng mga opisyal SK para labanan sa bansa ang Pandemyang hatid ng nakamamatay na virus.


Ayon kay General Emilio Aguinaldo-Bailen SK Federation President John Allen Cabahug, sinisikap ng mga opisyal ng Sangguniang kabataan sa kanilang bayan na magkaroon ng proteksyon ang mga kabataan sa kanilang lugar at maligtas sa nakamamatay na virus.


Ang Anti-Covid 19 kits ay ay naglalaman ng mga Faceshields, Alcohol, Ascorbic Acid, at Hand Soap. 


Patuloy naman ang paalala ng mga opisyal ng SK sa mga kabataan na matutong sumunod sa mga umiiral na health and safety guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan dahil ito ay para din naman sa kapakanan at kaligtasan ng bawat kabataan sa kanilang bayan.

courtesy: G.E.A-Bailen SK Federation
Please follow and like us: