Anti-Covid booster shot kay Pangulong Duterte, depende sa payo ng kaniyang mga doktor ayon sa Malakanyang
Matapos bigyan ng pahintulot ng Food and Drug Administration o FDA na maturukan ng anti-COVID-19 booster shot ang mga senior citizen na immunocompromised, hindi masabi ng Malakanyang kung kasama sa makikinabang rito si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles, na depende sa payo ng mga doktor ng Pangulo kung kailangang bigyan ng anti-COVID-19 booster shot ang Chief Executive.
Ayon kay Nograles, isa nang senior citizen at may mga maintenance na gamot ang Pangulo kaya kailangan ang medical clearance ng mga doktor bago siya turukan ng booster shot.
Magugunitang dalawang dose ng Sinopharm anti-COVID-19 vaccine na gawang China, ang una nang naibakuna kay Pangulong Duterte.
Vic Somintac