Anti Death Penalty Congressmen sa SC na lang magpapasaklolo para maharang ang kontrobersyal na panukala
Korte Suprema na lang ang nakikitang paraan ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque para maharang nang tuluyan ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ito ay matapos na maipasa sa ikalawang pagbasa ang Death Penalty re-imposition Bill sa Kamara.
Mas determinado ngayon ang Kongresista na agad maghain ng petisyon sa Korte Suprema sa oras na pumasa din sa Senado ang kontrobersiyal na panukala.
Magiging pangunahing argumento dito ng kongresista ay ang paglabag ng gobyerno sa second optional protocol, ang treaty pinasok ng Pilipinas na nagbabawal sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ayon kay Roque, saligang batas ang nagsasabi na ang pinapagtibay na treaty ng Pilipinas ay nagiging bahagi ng batas nito.
Ibig sabihin, ang paglabag rito ay maituturing ding pagsalungat sa saligang batas.
Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo