Anti-Distracted Driving Act ipatutupad na sa Hulyo – LTFRB
Nakatakda nang muling ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Anti-Distracted Driving Act sa susunod na buwan.
Pero niluwagan ng LTFRB ang mga alituntunin sa pagpapatupad ng nasabing batas kung saan maaari nang maglagay ng mga gadget sa dashboard ng mga sasakyan bastat hindi ito makasisira sa atensyon ng mga tsuper.
Paglilinaw naman ng Department of Transportation, saklaw din ng nasabing batas ang mga sasakyang hindi na kailangan ng lisensya tulad ng mga bisekleta, e-bike at kalesa , basta’t mahuhuling gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakalathala na sa mga pahayagan simula ngayong araw ang bagong Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas