Anti drug operation ng PNP tuloy parin sa kabila ng kontrobersiya sa pagkakapatay kay Kian Lloyd delos Santos ayon sa Malakanyang
Hindi ititigil ng pamahalaanang kampanya at operasyon laban sa ilegal na droga sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagkakapatay ng Caloocan Police sa menor de edad na si Kian Llyod delos Santos ay iniimbestigahan na ng mga otoridad.
Ayon kay Abella kung mapapatunayan na mayroong paglabag ang pulisya tiyak na papatawan ang mga ito ng kaukulang parusa.
Inihayag ni Abella na ang kaso ni Kian ay magsisilbing batayan para maging maingat ang pulisya sa pagsasagawa ng Anti illegal drug operations.
Ang kaso ni Kian ay sinasakyan na ng mga kritiko at kontra sa pamamaraan ng Duterte administration sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.
Ulat ni: Vic Somintac