Anti Endo bill senertipikahang urgent ni Pangulong Duterte
Senertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na mag-aalis ng sistemang endo end of contact sa labor force ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang usapin ng endo sa labor force ay isa sa campaign promise ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque nauna ng naglabas ng executive order ang pangulo kontra Endo subalit hindi ito sapat para baguhin ang labor code na nagpapahintulot sa kontraktuwalisasyon o endo sa pamamagitan ng mga manpower agencies na nagsusuply ng mga contractual workers.
Inihayag ni Roque kailangan talaga ang batas na pagtitibayin ng kongreso para tuluyang mawakasan ang endo sa mga manggagawa.
Ang Endo ay malaking pahirap sa mga manggagawa dahil hindi magiging regular employees ang mga namamasukan sa mga kompanya dahil bago sumapit ang anim na buwang paglilingkod ay tapos na ang kanilang kontrata.
ULat ni Vic Somintac