Anti-HIV drugs, sinimulan nang ipamahagi ng pamahalaan
Sinimulan na ng pamahalaan ang pagkakaloob ng Anti-HIV drugs.
Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong infected ng HIV sa bansa.
Sa datus na ipinalabas ng Department of Health, nakapagtala ng mahigit sa isanlibong bagong kaso ng HIV noong Mayo.
Kaya naman dalawang daang HIV negative ang pinainom ng daily pill na Prep.
Ang study drug ay tatagal ng hanggang dalawang taon bilang bahagi na rin ng pagnanais ng Pilipinas na pigilan ang tumataas na kaso ng HIV na nagde-develop sa sakit na aids.
Ulat ni: Marinell Ochoa
Please follow and like us: