Anti illegal drug war ng administrasyon hindi ititigil pero kailangang repasuhin ang proseso ayon sa Malakanyang

Walang balak ang Malakanyang na itigil ang anti illegal drug operations.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang anti illegal drug war ay commitment ni Pangulong Duterte hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Abella ang maaaring gawin sa pamamagitan Philippine National Police  o PNP ay rebyuhin ang proseso ng anti drug operations.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa panawagan ng mga kritiko ng administrasyon na itigil na ang anti drug operations ng gobyerno dahil sa magkakasunod na pagkamatay ng ilang menor de edad sa kamay ng pulisya kaugnay ng anti illegal drug campaign.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *