Anti-Pasaway operations, dapat ipatupad ng PNP kaysa sa Anti-Tambay- Sen. Gatchalian
Imbes na Anti-Tambay, mas mabuting gawin na lamang Anti Pasaway ang operasyon ng mga otoridad.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malawak kasi ang kahulugan ang tambay at hindi naman lahat ng tambay ay pasaway.
Pero kapag sinabing pasaway ay mali talaga ang kanilang ginagawa gaya ng mga pag-inom at pagsusugal sa kalye.
Inihalimbawa ng Senador ang ilang mga lokal na pamahalaan na mayroon nang ipinatutupad na ordinansa laban sa mga pasaway.
Sa ganito aniyang panukala, tiyak aniya na walang nang kokontra sa nasabing panukala dahil ang huhulihin ng mga otoridad ay talagang mga pasaway.
“Suggestion ko nga sa PNP, instead na anti-tanbay gawing anti-pasaway. Alam naman natin na ang mga pasaway ay nakakaabala sa ating lahat”.