Anti-Political dynasty bill, isinalang na sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado, posibleng maipasa bago matapos ang taon
Isinalang na sa deliberasyon ng plenaryo ang Anti- Poltical dynasty bill.
Si Senador JV Ejercito ang pangunahing nagsusulong ng panukalang batas na magbabawal sa mga magkakapamilya na tumakbo sa mga posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Ejercito, nakasaad sa Konstitusyon na dapat protektahan ng Estado ang civil at political rights ng indibidwal.
Pero kung nalilimitahan aniya sa iisang miyembro ng pamilya ang pagsisilbi sa Gobyerno nawawala rin amg equal opportunities na ginagarantyahan naman ng Saligang Batas.
Ang monopoliya aniya ng political power ay mapanganib para sa lipunan na madalas lumilikha na rin ng karahasan lalo na sa mga kapit tuko sa kapangyarihan.
Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, supprtado ng mayorya sa mga Senador ang panukalang batas.
Katunayan, may posibilidad na mapagtibay na ito ng senado bago matapos ang Disyembre.
Ulat ni Meanne Corvera