Anti-Terror Bill, mas may ngipin pero mahuhuling Terror suspects, bibigyan ng Humane treatment- Senador Lacson
Bibigyan pa ng makataong pagtrato ng gobyerno ang sinumang maarestong hinihinalang terrorista batay sa Anti-Terror Bill.
Ito ang nilinaw ni Senador Panfilo Lacson kasunod ng pangamba hinggil sa mga posibleng pag-abuso sakaling maging batas ang Anti-terror.
Isa sa tinukoy ni Lacson ang pag-freeze sa mga ari-arian ng mahuhuling hinihinalang terorista.
Ayon sa Senador, binigyan nila ng mas malakas na ngipin ang Anti-money laundering council para agad maharang ang assets ng mga hinihinalang terorista o Terrorist Organization para hindi na maulit ang nangyari sa Marawi siege.
Gayunman, ang tao o orgnisasyon kung saan ang account niya ay na-freeze, maari pa ring dumulog sa Court of Appeals.
At kahit frozen na ang account, pwedeng makapag-withdraw pa unti-unti pa rin ang suspected terrorist or organization for humanitarian needs.
Maari aniya itong gamitin kung ang kaniyang asawa o sinumang miyembro ng pamilya at malasakit o nasa isang emergency situation na nangangailangan ng pondo.
Ulat ni Meanne Corvera