Anti- Terror law, natalakay sa pagharap ng UN special rapporteur sa mga mahistrado ng SC
Humarap sa mga mahistrado ng Korte Suprema si UN Special Rapporteur for Freedom of Expression and Opinion Irene Khan.
Ayon sa Supreme Court, isa sa mga napagusapan sa pagbisita ni Khan sa mga mahistrado ay ang isyu ng batas kontra terorismo.
Binigyan si Khan ng kopya ng pinagtibay ng SC na mga panuntunan sa paghawak ng mga korte sa mga kaso kaugnay sa Anti-Terrorism Law.
Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na binalangkas ng SC ang nasabing rules para masiguro na maayos na mahahawakan ng mga hukom ang anti- terror cases at maproteksyunan ang karapatan ng mga tao.
Binanggit din ng SC kay Khan na may ilang probisyon ng Anti- Terror Act of 2020 na idineklara nitong labag sa Saligang Batas partikular ang mga lumalabag sa freedom of expression.
Tiniyak pa ni Gesmundo sa Special rapporteur na mataas ang kabatiran ng hudikatura ng Pilipinas sa prinsipyo ng freedom of speech and expression at binabalanse ang kalayaan at karapatan ng estado na proteksyunan ang sarili.
Moira Encina