Antigen swab testing isinagawa sa Tarlac City Jail
Nagsagawa ng antigen swab testing sa Tarlac City Jail, ang mga kawani ng City Health Office na pinamumunuan ni Dra. Carmela Go, city health officer.
Halos puno ng mga bilanggo ang nasabing piitan, kaya hindi malayong may tamaan ng COVID-19.
Nasa 400 person deprived of liberty o PDL, ang sumailalim sa antigen swab testing.
Ang isinagawang testing ay bilang pagsunod sa Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reintegrate o PDIRT, na programa ng National IATF at Department of Health.
Ayon kay City Mayor Cristy Angeles, ipagpapatuloy ng City Government ang pagsasagawa ng malawakang antigen swab testing sa buong lungsod, upang mapigilan ang pagdami ng mga nagpopositibo sa nakamamatay na virus.
Ulat ni Rizza Cast