Anumalya sa Philhealth para sa mga fake claims, iniimbestigahan na sa Senado
Sinimulan na ng Senate Blue Ribbon committee ang imbestigasyon sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth o mga pekeng claim para sa pekeng mga pasyente.
Humaharap ngayon sa imbestigasyon sina dating Health secretary at Iloilo representative Janet Garin, Health secretary Francisco Duque at iba pang opisyal ng Philhealth.
Sa kaniyang opening speech, sinabi ni Duque na humarap siya sa imbestigasyon ng Senado para patunayang mali ang mga alegasyon sa kanya ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa conflict of interest.
Wala umano syang kinalaman sa mga ibinibintang laban sa kanya dahil ang Philhealth ang lumapit sa kaniyang mga kapatid para rentahan ang kanilang gusali sa Dagupan, Pangasinan.
Wala aniya syang nakikitang conflict of interest dahil hindi pa naman sya ang Ex-officio chairman ng Philhealth nang magkaroon ng transaksyon.
Iginiit naman ni Duque na sa kanyang mahabang sebisyo sa gobyerno hindi nya babahiran ng katiwalian ang pangalan ng kaniyang ama at bukas ang kaniyang public records na maaring busisiin ng publiko.
Ulat ni Meanne Corvera